Linggo, Disyembre 10, 2017

Renasiyimento, alamin ano nga ba ito!

Renaissance


 Ito ay mula sa Pranses na Renaissance, na nangangahulugang "muling pagsilang" (Ingles: Rebirth) na mula sa Italyano na Rinascimento (mula sa re- "muli" at nascere "isilang").

Ang Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon.

Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)". Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.

Repleksyon
Ang renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” na mula pa sa salitang italyano na rinascimento. Ito ay panahon sa Europa. Na nagbigay tulay sa pgitan ng gitnang panahon at ng makabagong kasalukuyan. Nagsimula lamang ito na isang pagkilos na tuluyang lumaganap sa iba pang bahagi ng Europa. Naging batayannito ang sipi ng intelektwal na renasiyimento ay ang sariling likha nito na bersyon ng humanismo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento